Babae, Hinangaan ng Marami Matapos Padedehin ang Umiiyak na Sanggol ng Isang Pulubi!



Isang babae ang nag-viral matapos padedehin ang sanggol na anak ng isang pulubi sa Butuan City. Marami ang humanga sa ginawa nitong pagmamalasåkit lalo na sa sanggol na walang tigil sa pag-iyak marahil ay dahil sa gut0m. Dahil sa lakas at walang tigil na pag-iyak ng sanggol ay ilapitan ito ng babae at saka napagpasyahan na padedehin at nagbakasakali na huminto ang sanggol sa pag-iyak.




May ka-meet up na customer sana ang babae para sa ibinebenta niyang hopia nang makita niya ang mag-inang pulubi.

Nagugut0m umano ang sanggol kaya dali-dali niya itong pinadede dahil wala umanong mailabas na gatas ang ina ng sanggol. Marami ang mga nagdaan sa mag-ina ngunit bukod-tangi ang babaeng ito ang lumapit at gumawa ng paraan para mapatahan ang sanggol.





Ang babaeng nagmalasåkit ay kinilalang si Jeralyn Gubalani na taga-Bunawan, Agusan del Sur. Marami naman sa mga netizens ang na-inspire kay jeralyn dahil sa ipinakitang kabutihan nito lalo na sa sanggol.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments