Buntis, Nanganak sa Bus Matapos Tanggihan sa Ospital Dahil Wala Umano Siyang Pang-down Payment!



Isang babae na nagdadalang-tao ang tinanggihan ng isang ospital dahil wala umano siyang pang downpayment. Dahil dito, siya ay nanganak sa loob ng isang Mindanao Star Bus, 6:30 ng gabi nitong Disyembre 27, 2021 sa Kinuskusan, Bansalan. Ayon sa ulat, hindi na umano napigilan ng ina na manganak.




Ang ina ay kinilalang si Grace Bulaw Cudog, 23-anyos na residente ng Makilala, North Cotabato. Mabuti na lamang ay nakaligtas ang mag-ina lalo na ang sanggol.

Humingi ng tulong ang driver at conductor ng naturang Bus sa mga kapulisan at mga kasundaluhan na nakabase sa Kinuskusan, Bansalan. Agad namang umaksy0n ang 2nd Davao del Sur Mobile Force Company (2nd DDSMFC) na sina PCpl. Roy A. Rojaz at Sgt. Edclaier D. Sotela ng 39 IB, PA.





Isinakay ang mag-ina sa PNP Patrol car at dinala sa Makilala Hospital upang mabigyan ng kaukulang aksy0n.

Ayon sa kanyang kinakasama na si Jemar Munting, 29-anyos, nauna umano silang nagtungo sa isang ospital ngunit tinanggihan umano sila dahil walang pang-down at dahil dito ay napagpasyahan nila na umuwi na lang at dito na inabutan ng panganganak si Grace.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments