Ang pakikipagrelasyon ay isa sa pinakamabigat na desisyon na ating magagawa sa ating buhay. Maaaring akala natin ay simple lamang ito ngunit maaari nitong mabago ang ating buhay, sa parehong positibo at negatibong paraaan.
Madalas tayong makarinig ng mga kwento patungkol sa magkasintahan na nauwi sa kasalan ang kanilang relasyon habang ang iba naman ay hindi na nagtatagal pa at nauuwi rin sa masalimuot na hiwalayan ang lahat. Nakakalungkot ang pangyayaring ito kung saan minahal at nasanay ka nang nariyan ang isang tao ngunit isang araw ay kakailanganin mo na lamang magdesisyon na hiwalayan siya dahil sa ilang mga kadahilanan.
Maaaring ikaw ang dahilan o di kaya naman ay siya ang nagkulang ngunit minsan ay nagiging desisyon na rin parehong partido ang maghiwalay para na rin sa kanilang ikabubuti. Kamakailan lamang ay dumulog sa Facebook page na “CFO Peso Sense” ang isang hindi na nagpakilalang babae.
Ayon sa naging pahayag niya ay nagsasawa na siyang unawain at pabayaan ang kaniyang nobyo na magpalibre ng magpalibre sa kaniya dahil lamang sa siya ang mas malaki ang sweldo kung kaya naman nanghihingi siya ng payo kung ano na nga ba dapat ang kaniyang gawin.
“Dati, lagi kami hati sa gastos kapag lalabas, pero madalas ako yung mas malaki ang ambag dahil mas mataas ang sahod ko sa kanya. Ngayon, parang nasanay na siya na puro ako ang sagot, mula sa pamasahe, sa pagkain at sa lahat, dahil ako ‘yung may mas pera (not to brag po).” Pahayag ng naturang netizen.
“Hinayaan ko na lang kasi iniintindi ko na lang dahil mahal ko naman siya. Kaso napapaisip ako kasi parang sobra na, madalas feeling ko pa required akong i-provide ‘yung mga ‘di nya ma-provide sa sarili niya tapos dahil nga i-provide ko ‘yun sa kanya, babawasan ko ‘yung budget ko para sa sarili ko na maski ‘yung gusto ko, ‘di ko na binibili para lang mabigay ‘yung needs niya,” Dagdag pa niya.
Marami namang mga netizens ang nagbigay ng payo para sa kaniya. Kung kaya naman sana ay magkaroon na siya ng lakas ng loob upang magawa ang tamang desisyon para na rin sa kaniya at sa kaniyang kinabukasan.
Source: Facebook
0 Comments