Korean Mukbang YouTuber, ginulat ang kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay sa naging pambihirang pagbabago ng kaniyang pangangatawan matapos niya itong bigyang-pansin at alagaan!





Sa sobrang abala natin sa maraming mga bagay ay madalas nakakalimutan na nating alagaan ang ating sarili. Ang ating kalusugan at pangangatawan ay napababayaan na natin nang hindi natin namamalayan dahil lamang marami tayong ginagawa sa ating trabaho o negosyo, sa ating personal na pamumuhay at marami pang mga kaabalahan sa araw-araw.

Photo credit: Yang Soo Bin instagram



Ngunit hindi rin natin dapat makalimutan na tayo lamang ang maaaring magdulot ng maganda at hindi magandang pagbabago sa ating pangangatawan. Kamakailan lamang ay umani ng napakarami mga papuri mula sa publiko ang Korean Mukbang YouTuber na ito.

Photo credit: Yang Soo Bin instagram




Dahil mula sa 131 kilos na timbang niya ay naging to 87 kilos na lamang siya sa ngayon. Malaki na rin ang nabawas sa kaniyang “body fat percentage” na noon ay 70% at ngayon ay 24% na lamang.




Photo credit: Yang Soo Bin instagram



Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ang “Mukbang” ay isang popular na pamamaraan upang maitampok ang pagkain ng napakarami at sari-saring mga pagkain. Kadalasan ay tunog at hitsura ng pagkain ang talagang nagpapasabik sa mga manunuod at humihikayat sa kanilang bumili rin ng mga ganitong klase ng pagkain.




Photo credit: Yang Soo Bin instagram

Sa kasamaang palad ay hindi na nabibigyang halaga ng mga “Mukbangers” ang kanilang kalusugan at pangangatawan. Kung kaya naman naging napakagandang inspirasyon ng Korean YouTuber at Mukbanger na si “Yang Soo Bin”.

Kung dati ay napakacute niyang tignan sa kaniyang mga Mukbang videos, ngayon ay nagsisilbi siyang inspirasyon para sa maraming mga kababaihan na mahalin at pahalagahan din ang kanilang sariling kalusugan at katawan. Marahil para sa marami sa atin, nais lamang nating matikman ang lahat ng mga masasarap na pagkain na kaya nating tikman habang tayo ay bata pa ngunit dapat din nating malaman na sa tagal ng panahon na hindi natin iniingatan ang ating sarili ay tiyak na sisingilin din tayo nito ng matindi.

Maaaring hindi natin ito mamamalayan pagdating ng panahon kung kaya naman mas mabuti nang sigurado kaysa naman magsisi tayo sa huli.






Post a Comment

0 Comments