Nasa 16 na mga food delivery riders ang nabiktima ng mga “fake customers” na sa iisang address lamang sila pinag-deliver lahat!





Ibinahagi sa social media ni Rome Vladimir Agito Cuevas ang naranasan nila kamakailan lamang kung saan maraming mga “food delivery riders” ang naghatid sa kanila ng mga inorder diumano nilang pagkain. Siya ay nakatira sa Paco, Manila at talagang hindi nila inaasahang mangyayari sa kanila ito. Ayon sa naging pahayag ng netizen, hindi na naawa ang mga taong nanloko sa mga Food Panda at Grab Riders na ito.



Dahil sa halos 16 lahat ang bilang ng mga “food delivery riders” na naghihintay sa labas ng kanilang tahanan. Halos nasa Php1,700 hanggang Php1,900 din ang halaga ng bawat pagkaing naorder sa bawat isang rider. Ang mga pangalan daw ng mga customers na umorder nito ay sina “Triple X’ at ‘Keisha Ann Bernabe”.

“Nagulat po kasi syempre. Iisa ang address tapos halos sunod-sunod ang dating nila. Iba’t ibang fast food chains po ang inorderan nila. Pero nagkakatawanan at nagkakantahan na lang sila ‘pag dadating ‘yung kapwa nila riders. Imbis na magalit. ‘Yun na lang nagawa nila. ‘Yung iba po umalis na. Siguro ibebenta din nila sa iba,” Pahayag ni Rome.




Upang kahit papaano ay makatulong sa mga riders na ito ay binili nila ang ilan sa mga pagkain na ito. Maging ang kanilang mga kapitbahay ay tumulong din na bilhin ang ilan sa mga ito.




Talaga nga namang hindi maganda ang ganitong pag-uugali ng ilang mga Pilipino. Kailan man ay hindi dapat gawing katatawanan ang mga bagay na alam mong makasasama sa iyong kapwa.



Sa gitna ng pandemya ay maraming mga nagsusumikap pa rin sa trabaho para lamang masuportahan ang kanilang mga pamilya. Ngunit kung palagi na lamang mangyayari ang mga ganitong sitwasyon ay talagang hindi na makakayanan pa ng marami sa atin.




Kung kaya naman maraming mga netizens din talaga ang nakiusap na sana ay hindi na nila ito gawin pa sa ibang mga tao dahil talagang nakakalungkot at nakapanglulumo ito para sa kanila na ang nais lamang ay kumita sa desenteng paraan.

Source: Facebook





Post a Comment

0 Comments