Post ni Rob Moya Kasama Ang Ex-Girlfriend Niyang si Toni Fowler, Viral!



Viral ngayon ang post ni Rob Moya sa kanyang facebook account kung saan kasama niya ang ex-girlfriend niyang si Toni Fowler na may caption na "Ikaw pa rin (heart emoji)". Umabot na sa 242k reacts, 64 comments at 74k shares ang naturang post. Marami sa mga netizens ang naguguluhan kung ano ba talaga ang namamagitan ngayon kina Toni at Rob.




Marami rin sa mga netizens ang napapatanong kung bakit ganito ang caption ni Rob sa kanyang post. Matatandaan na may karelasyon siya ngayon at sa katunayan ay tumulong pa si Toni sa pag-aasikaso para masurprise noon ang bagong girlfriend ni Rob na si Jennifer del Rosario.

Tila naguguluhan na ang mga netizens kung bakit ang dalawang mag-ex ay masayang magkasama. Matagal na ring nililigawan ni Tito Vince si Toni ngunit hanggang ngayon ay hindi pa niya ito sinasagot.




Si Toni Fowler ay isang vlogger, dancer at social media influencer. Siya ay may isang anak na nagngangalang Tyronia Fowler na isa ring vlogger at gumagawa ng mga videos sa Tiktok.




Matatandaan noon na nakarating ang problema nila kay Idol Raffy dahil inirereklamo ni Toni ang ex niyang si Rob. Makalipas ang ilang buwan ay nagkaayos na rin sila at nagkapatawaran sa isa't isa.



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments