“UTANG” isang simple at maiksing salita lamang ngunit talagang nakakadala at nakakatakot. Marami ang “allergic” sa salitang ito at marami din naman ang talagang sumusubok sa pasensiya ng maraming mga tao.
Dalawang uri kasi ng tao ang madalas nating pinahihiram ng pera, una na ang mga taong madaling siningilin at talagang mayroong kusa, ikalawa naman ang mga taong napakahirap talagang singilin na kahit ano pang paliwanag at pakiusap ang gawin mo ay talagang hindi natitinag. Kamakailan lamang ay talagang kinagiliwan ng publiko ang naging pag-uusap ng isang maniningil at isang sinisingil.
Nakailang padala na rin kasi ng mensahe ang nagpautang na si “Nnayram Sanor” sa taong umutang sa kaniya ngunit tila hindi nito pinapansin at binabasa ang kaniyang mensahe. Naniningil kasi siya kung kaya naman ganoon na lamang ang pag-iwas nito sa tao na minsan nang nagtiwala at nagpautang sa kaniya.
Sa halip na magalit at ma-stress ay nakakatuwa talaga ang ginawa ng babaeng naniningil sa kaniyang sinisingil. Pinadalhan niya kasi ito ng larawan ng isang manika na mayroong itim na kandila sa tabi nito.
Sino ba naman ang hindi matatakot sa tila pangungulam na gagawin sa kaniya sa oras na hindi siya makabayad. Kung kaya naman agad agad nang sumagot ang babaeng nangutang at sinabing magkita na sila dahil magbababayad na siya ng kaniyang utang.
Dagdag pa nga ng nangutang ay hindi na dapat pa umabot sa pangungulam ang kanilang napag-usapang utang kung kaya naman pinayo niyang itapon na lamang niya ang mga bagay na ito. Ang pangungulam o pambabarang ay isang uri ng “black magic” na kadalasang ginagamit para sa paghihiganti sa taong nagkasala o nakasakit sa iyo.
Sa pamamagitan nito ay tiyak na mapaparusahan ang sino man gamit lamang ang hibla ng buhok, o iba pang mga bagay na may kinalaman sa nais paghigantihan. Kung kaya naman tiyak na mas marami nang mapipilitang magbayad ngayon ng kanilang utang, hindi ba?
Source: Facebook
0 Comments