Mga pamaypay na mayroong nakasulat na mga pangalan ng mga kaibigan mo noong hayskul ka naalala mo pa ba?





“High school life, oh, my high school life. Every memory, kay ganda. High school days, oh, my high school days. Are exciting, kay saya.”

Sino nga ba naman ang makakalimot sa kantang ito na minsan nang nagpaiyak sa atin? Madalas kasi itong pinapatugtog lalo na sa mga “high school graduation ceremony”.



Tayong mga Pilipino, hindi natin maipagkakaila na isa sa pinakamasayang alaala na ating binabalikbalikan ay ang ating kabataan. Ang buhay natin noong tayo ay mga binata at dalaga pa lamang na nag-aaral sa “high school”.




Tunay nga na napakarami nang nagbago mula noon hanggang sa ngayon ngunit ang mga alaala at mga karanasan natin noon ay talagang nanatili pa rin sa ating mga puso. Tiyak na hindi pa rin nakakalimutan ng marami sa atin ang isang bagay na ito na talagang nagbigay din ng saya at kahulugan sa ating kabataan.Maaaring simpleng pamaypay lamang ito, hindi ganoon kamahal at kadalasan ay nasa halagang Php20 hanggang Php40 lamang ngunit nagiging dahilan din ito ng tampuhan ng ilang mga magkakaibigan. Nakagawian kasi natin noon na sulatan ito ng mga pangalan ng ating mga kaibigan.




Tila ba naging simbolismo na ito ng matatag ninyong pagkakaibigan at pagsasamahan. Kung mayroon namang hindi naisamang pangalan sa isang grupo ng magkakaibigan ay talagang pagsisimulan ito ng tampo.



Tiyak na ayaw nating mangyari iyon kung kaya naman kahit ipagsiksikan natin ang pangalan ng ating mga kaibigan sa iisang pamaypay na iyon ay ayos lang. Ibinahagi ng Facebook Page na “Klasik Titos and Titas of Manila” ang larawan ng isang pamaypay noon na talaga namang punong puno ng mga pangalan.




Hindi na nakapagpigil pa ang ilang mga netizen na ibahagi ang mga hindi nila malilimutang alaala mula sa pamaypay na ito. Kung nakasanayan ng maraming mga kabataan sa ngayon ang komportable at malamig na silid-aralan, naging masaya at komportable din naman ang ilang mga kabataan noon gamit lamang ang pamaypay na ito.





Post a Comment

0 Comments