17-Anyos na Binata, Kumikita na ng Php5,000 Kada Araw!



Marami ang humanga sa isang teenager na si Josh Mojica, 17-anyos na nakatira sa Cavite. Siya ay kumikita na ng Php 5,000 kada araw sa pamamagitan ng pagtitïnda ng kangkong chips. Alay ni Mojica ang kanyang mga ginagawa para sa kanyang pamilya dahil nais niyang makatulong rito kahit sa murå niyang edad.




Sa katunayan ay umorder si Sen. Ping Lacson ng maraming kangkong chips ni Josh.

"My office ordered delicious kangkong chips as part of our Xmas gift-basket giveaways from this 17-year old entrepreneur from Cavite who started this business to help his parents after his lolo passed away last June. I dont know him but Im so proud of him. Hats off!" ayon sa tweet ni Lacson nitong Nobyembre 2021.



"Nakakaiyak po, sana po nakita siya ng Lolo ko. Tapos sobrang grateful din po kasi hanggang ngayon po, hindi pa din niya ako pinababayaan," ani naman ni Josh na hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

"Ngayon po halos lahat po ng tropa ko, bale mga 10 na po sila. Lahat din po sila nag-aaral pa. Pero nabigyan ko po sila ng opportunity para po kumita ngayong pand3mic," pagbabahagi pa ni Josh.



"Nagsimula po ako na magluto mag-isa, nagpaturo po ako sa Tita ko. Una po, parang nakalagay lang siya don sa alam niyo po yung lalagyan ng rice box na meal? Yun po may na-order na po ng mga ganun. Nasasarapan sila, may nagrerepeat order na po," kuwento niya.

"Gumigising na po ako ng maaga kasi madaming order. 6AM mag-isa lang po ako. May nagdidip, may nagpiprito ako din po ‘yun lahat. Yun po, hanggang sa lumaki na nang lumaki," dagdag pa niya.



Ngunit hindi din umano naging madali ang kanyang paglago, "Masasabi mo talaga na kailangan ng failure para matuto ka."

Marami ang na-inspire kay Josh lalo na ang katulad niyang mga kabataan. Marami na rin ang mga nag-oonline business na kasing edad niya at minsan pa ay mas bata pa sa kanya. Sa panahon ng pand3mya ay kanya-kanya tayo ng paraan upang kumita ng pera para makaraos sa pang araw-araw ng pamilya.



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments