4 na mga prutas na dapat kainin para sa mga taong hindi makarumi ng maayos, alamin!





Hindi natin maipagkakaila na mas marami sa atin ang bumigat ang timbang buhat nang magkaroon ng pandemya. Ito ay dahil sa katotohanang pinagbawalan ng pamahalaan ang bawat Pilipino na lumabas at umalis ng kanilang mga tahanan upang hindi mahawa ng kumakalat na sakit. Dahil sa marami sa atin ang nasa loob lamang ng ating mga tahanan kasama ang ating mga mahal sa buhay ay mas marami din tayong pagkakataon na kumain ng marami at masasarap na mga pagkain. Sa kasamaang palad ay hindi lahat ng mgapagkain na ito ay masustansiya, minsan o madalas pa nga ay mga “unhealthy foods” ang nagugustuhan nating kainin. At dahil sa mga pagkaing ito ay nakakaranas ang marami sa atin ng hirap sa pagdumi. Ang hindi regular na pagdumi ay maaaring magdulot ng hindi maganda sa ating kalusugan at sa ating pangangatawan. “Constipation” o “pagtitibi” ang tawag sa hindi regular na pagdumi ng isang tao. Kung hindi maaagapan ay maaari itong magdulot ng paglala ng sakit sa puso, luslos at “hemorrhoids”. Kadalasan na mga buntis, kababaihan at mga nakatatanda ang hirap sa pagdumi. Ayon sa naging Facebook page ni “Doc Liza Ramoso-Ong”, hindi pinapayo ng mga doktor ang pag-inom ng gamot o “herbal tea” upang makadumi ng maayos. Mas mabisa raw ang apat na mga prutas na ito na nagsisimula sa letrang “P”.

PAKWAN




Mayroong taglay na 92% na alkaline water ang pakwan. Mataas din ito sa Vitamin A, Vitamin B, Vitamin C, Lycopene at Potassium. Dalawang hiwa lamang ng pakwan sa buong maghapon ay maaari ka nang dumumi ng maayos. Maliban rito ay mayroon ding benepisyo ang pakwan sa bituka, bibig at sikmura natin. Kung ikaw ay may singaw o di kaya naman ay mabahong hininga, makakatulong din sa iyo ang pagkain ng prutas na ito.

PAPAYA




Madalas na nating naririnig sa ating mga lolo at lola na kung hirap kang dumumi at kumain ka lamang ng papaya at tiyak na malulunasan ito. Mas magiging mabisa ang pagkain ng prutas na ito kung ito ay matamis. “Papain” ang pangunahing sangkap ng papaya na napakabisa sa pagpapalambot ng dumi. Kung nais mo rin ng Vitamin C, marami din nito ang Papaya. Maghinay-hinay lamang sa pagkain nito dahil kung sobra ay tiyak na magtatae ka.




PERAS (PEARS)




Mayaman sa “fiber” at “sorbitol” ang peras. Nagbibigay ng hugis o bulk ang fiber sa dumi habang ang sorbitol naman ang naghahatak ng tubig sa loob ng bituka upang lumambot ang dumi. Payo naman ni Dra. Jay Hoecker ng Mayo Clinic, maaaring bigyan ng 2 hanggang 4 na ounces ng katas ng peras ang mga sanggol at bata upang makatulong sa pagdumi ng mga ito.

PRUNES


Dito sa Pilipinas, madalas na makakabili tayo ng prune juice at dried prunes sa mga supermarket. Matagal nang lunas ang prutas na ito sa pagtitibi. Mayroon itong “fiber” “sorbitol”, at “antioxidants”. Maliban sa pagpapalambot ng dumi ay mayroon din itong benepisyo sa buto ay maaaring makaiwas sa “osteoporosis”.





Post a Comment

0 Comments