Dahil sa pandemyang patuloy nating kinahaharap sa buong bansa ngayon, maraming mga klase kahit mga trabaho ang ginagawa ngayon online. Work from home set-up o di kaya naman ay online classes.
Ito na ang isa sa pinakamabisang paraan upang maipagpatuloy pa rin natin ang ating pag-aaral o ang ating pagtatrabaho kahit nasa loob lamang tayo ng ating mga tahanan. Ngunit sa kabila ng maraming mga benepisyo sa ganitong kondisyon ay mayroon din namang iilang mga bagay ang hindi natin maiiwasan talaga.
Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa mga “chat” o “messages” na natatanggap natin mula sa ating mga kausap. Kamakailan lamang ay naging viral ang naging pag-uusapan na ito ng isang guro at ng kaniyang estudyante kung saan tila nalito ang bata sa sinasabing “INC” ng kaniyang guro.
Ayon sa guro na nakilala bilang si Teacher Joemar Ancheta na kasalukuyang nagtuturo sa isang hayskul sa Makati, Metro Manila nais lamang niyang tanungin ang kaniyang estudyante kung mayroon ba itong plano sa kaniyang “INC” o sa kaniyang “Incomplete Grade”. Magalang naman ang tanong ng guro sa bata: “Ano nak? Wala ka bang plano? INC ka pa rin,” pahayag ni Teacher Joemar.
Agad namang sumagot ang estudyante niya at sinabing: “Anong plano sir? Oo sir. INC pa rin ho ako. Bakit po?” Dahil sa inakala ng guro na parang bang walang balak ang estudyanteng asikasuhin ang kaniyang “grade” ay sinabi na lamang ng guro na “Sige ibabagsak na lang kita.”
“Kailangan bam aging Katoliko?”buong pagtatakang tanong ng estudyante sa kaniyang guro.
“Anong sinasabi mo? You need to comply sa mga requirements mo para may grade ka. INC means incomplete,” Sagot naman ng guro.
Nakakatawa rin naman ang naging tugon ng kaniyang mag-aaral dahil sa tila pinapangaralan pa siya nito na dapat daw kasi ay nililinaw niya ang kaniyang sinasabi. Agad namang humingi ng paumanhin ang guro at sumagot naman ang kaniyang estudyante na ayos lang at walang problema.
0 Comments