Sumulat ng isang libro ang aktres at host na si Isabelle Daza para sa kaniyang Yaya na si Yaya Luning!





Si Isabelle Diaz Daza-Semblat ay 32 taong gulang na aktres, television host at modelo. Siya ay anak ni Miss Universe 1969 titleholder, Gloria Diaz. Ang kaniyang ama naman ay si Gabriel “Bong” Daza III isang restaurant owner at dating Makati City councilor.

Image by Isabelle Daza via Instagram story



Pitong taong gulang pa lamang siya nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang ngunit naging mabuti pa rin silang magkaibigan. Taong 2010 nang makapagtapos siya ng kolehiyo sa De La Salle University kung saan siya kumuha ng kursong “Early Childhood Education”.

Nagtrabaho din siya bilang isang pre-school teacher noon bago pa man siya sumabak sa pag-aartista. Taong 2016 nang ikasal siya sa kaniyang nobyo ng pitong taon na si Adrien Semblat, isang French businessman.




Taong 2018 naman ng isilang ni Isabelle ang kanilang panganay na si Baltie. Disyembre 2020 nang ibahagi ng aktres ang isang magandang balita na 21 linggong buntis na siya sa ikalawang anak nila.
Talaga namang masayang masaya ang lahat para sa mag-asawa at para sa panganay nilang si Baltie dahil magiging Kuya na rin siya. Lingid sa kaalaman ng marami ay nagsusulat din pala ng libro o “children’s book” si Isabelle.




Image by Isabelle Daza via Instagram story



Nakapagsulat na siya ng isang libro noong nakaraang taon na isang “animated book” na pinamagatang “Tralala the Tiger” na iniaalay niya para sa kaniyang anak na si Baltie. Ibinahagi niya kamakailan lamang ang napakagandang mensahe ng kaniyang bagong libro na para sa kaniyang Yaya o Nanny na si Yaya Luning.




Nais bigyang pugay ng aktres ang pagmamahal na ibinibigay ng mga yaya para sa mga inaalagaan nilang bata. Nais niyang matutunan ng mga kabataan ngayon na mahalaga ang gampanin ng mga Yaya sa isang pamilya.

Image by Isabelle Daza via Instagram story

“So I wrote a children’s book which is basically an autobiography of my life. I wanted to come from the point of view of someone who grew up with a yaya. @YayaLuning is part of our family.” Pahayag ni Isabelle sa kaniyang post.

“She does not replace the role of the mother. (I know a lot of moms feel guilt or shame when the child chooses the yaya/nanny over them sometimes). Instead my book aims to convey that a yaya has a special in a child’s heart. (One that does not compete with a parent),” Dagda pa ni Isabelle.

Source: Instagram






Post a Comment

0 Comments