Isang mangingisda, nakapamingwit ng dambuhalang “whale vomit” na nagkakahalaga ng mahigit sa P50.7 milyong piso!





Karamihan sa ating mga Pilipino ang mulat na sa hirap ng buhay mula pa lamang pagkabata. Kung kaya naman ganoon na lamang ang pagsusumikap natin na makapagtapos ng pag-aaral upang kalaunan ay magkaroon tayo ng magandang trabaho.



Kapag kasi nakahanap na tayo ng magandang trabaho ay tiyak na mayroon din itong magandang sweldo na tiyak na makakatulong sa atin at sa ating pamilya. Sa kabilang banda, marami din naman sa atin ang patuloy na nagsusumikap sa buhay kahit pa nga hindi nakapagtapos ng kolehiyo.



Para naman sa mga indibidwal na hindi na natapos pa ang kanilang pag-aaral ay talagang nagsusumikap sila ng husto upang makamit pa din nila ang kanilang mga pangarap. Tulad na lamang ng ilang mga magsasaka, mangingisda at marami pang iba.




Ngunit aakalin ba ninyo na isang mangingisda pala sa Thailand ang papalarin at magbabago ang buhay dahil sa nakapamingwit ito ng isang dambuhalang suka ng balyena. Ayon sa ilang mga artikulo, nagkakahalaga daw ito ng US$1,000,000 o mahigit Php50.7 milyong piso!



Ang mangingisdang ito ay nakilala bilang si Narong Phetcharaj. Natagpuan niya ang “whale vomit” na ito sa dalampasigan ng Surat Thani province.

Tanging mga lalaki lamang na balyena ang may kakayanan na gumawa ng “ambergris”. Ito ay isang “rare substance” at talagang ginagamit sa paggawa ng mga pabango.

Sa umpisa ay hindi maganda ang amoy nito ngunit hindi magtatagal at maaamoy na rin ang “long-lasting scent” nito. Mayroon ding hawak na sertipikasyon ang mangingisda mula sa mga eksperto mismo na ang 30 kilong dambuhalang “whale vomit” na ito ay tunay na “ambergris”.

Para sa mga nauna nang whale vomit na nadiskubre, madalas na naibebenta ito sa halagang US$37,500 (mahigit Php1.8 milyong piso) hanggang US$42,791 (Php2.1 milyong piso) kada isang kilo lamang. Kung noon ay maliit lamang ang kinikita niya sa loob ng isang buwan, ngayon ay plano na niyang ibenta ang “ambergris” at magretiro kasama ang kaniyang pamilya.





Post a Comment

0 Comments