Natupad na nga ni Pinoy Big Brother Big Winner Yamyam Gucong ang kaniyang pangarap para sa kaniyang mahal sa buhay. Kahit noong nasa loob pa lamang siya ng bahay ni Kuya ay hindi na niya inilihim pa ang pagiging laki niya sa hirap.
Talaga namang hindi niya maitago ang kaniyang kagalakan nang makabili siya ng bahay at lupa at bagong sasakyan para sa kaniyang pamilya. Ibinahagi niya ang tagumpay niyang ito nang minsan siyang makapanayam sa programang “Magandang Buhay”.
“Isa noon ay nakabili ako ng lupa. Amin na ‘yung sinasakahan namin dati. Tapos bumili rin ako ng sasakyan.” Pagkukwento ni Yamyam.
Nakapagpundar na din siya ng isang panaderya sa kanilang bayan at kaunting negosyo na lahat ay para rin sa kaniyang pamilya, hindi para sa kaniyang sarili. Kasalukuyang nasa Maynila si Yamyam habang nasa Bohol naman ang kaniyang pamilya.
Mayroon siyang ilang payo sa mga toang gusto ring makaahon sa kahirapan. Bagamat kakailanganin ng sakripisyo at maaaring mawalay rin sa pamilya ay hindi dapat ito maging hadlang upang matupad ang iyong plano sa buhay.
Bagkus ay magsilbi dapat itong inspirasyon sa iyong buhay at huwag na huwag kalilimutang magdasal sa Diyos.
“I-relate ko lang sa nangyari sa akin. Sobra akong na-stress na mapalayo sa kanila, so isipin mo na lang kung gaano kahirap ang buhay mo dati at ano ang inspirasyon mo sa buhay para maibigay at ma-provide mo sa mga mahal sa buhay. Manalangin ka lang at ibibigay ‘yan ng Diyos.” Pahayag ni Yamyam.
Naitampok na sa programang “Maalala Mo Kaya” ang buhay ni Yamyam. Pinamagatan itong “Bukid” at dito makikita ang bukid kung saan nagpapagal at nagpapakapagod ang kaniyang pamilya.
Dito nakita ang buhay niya at ng kaniyang pamilya sa gitna ng bukid. Dahil sa matinding kahirapan ay mas nagsumikap siyang makatulong sa kaniyang pamilya at ngayon ay masaya siya sa naging resulta ng kaniyang pagsusumikap.
Source: Youtube
0 Comments