Anak ng Isang Pedicab Driver, Nakapagtapos sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude!



Lahat ng mga magulang ay ang tanging kahilingan, ang maging mabuti ang buhay ng kanilang mga anak. Pangarap nila ang makapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak kaya gagawin nila ang lahat para mapag-aral sila. Ang tagumpay ng mga anak ay tagumpay na rin ng mga magulang. Kung anuman ang kasiyahan ng mga anak ay ganoon din ang mga magulang.




Isang anak ng pedicab driver sa Bicol ang nakapagtapos ng kolehiyo bilang isang Magna Cum Laude. Siya si Sandra Estefani Ramos na nakapagtapos sa kursong Bachelor in Science in Secondary Education sa paaral ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology. Marami ang humanga sa katalinuhang angkin ni Sandra.

Dahil sa kasipagan na tinataglay ng kanyang ama, nairaos ang pag-aaral ni Sandra. Talaga namang napaka-swerteng anak ni Sandra dahil mayroon siyang ama na mapag-mahal at handang hamakin ang lahat mapagtapos lang siya ng pag-aaral.





"Until now, I didn't know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are other students more intelligent than me, I still do my best. Even if I didn't know how, I do know the people who are the reason why I became Magna Cum Laude," ito ang sinabi ng dalaga sa isang interview.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments