Isang Pinay OFW, maswerteng nakatanggap ng $600 sa kaniyang amo na halos Php30,000 na ang halaga!





Nakakalungkot mang isipin ngunit marami na sa ating mga pamilya ngayon ang hindi na kumpleto dahil sa nagdesisyon ang ilan na magtrabaho sa ibang bansa upang doon ay kumita ng mas malaki. Dahil dito ay maraming mga magulang ang nawalay sa kanilang mga anak at hindi na nasubaybayan pa ang kanilang paglaki.



Nakapag-aral at nakapagtapos man ng maayos ang mga anak ay naroon pa rin ang kanilang pangungulila nila sa kanilang mga magulang na nagpapakahirap sa ibang bansa. Noon pa man ay marami nang mga nakakatakot na pang-aabuso at pang-aalipusta mula sa mga banyagang amo ng ating mga kababayang OFWs (Overseas Filipino Workers) ngunit hindi ito naging dahilan upang mapigilan ang mas marami pang mga Pilipino na makipagsapalaran sa dayuhang bansa.



Buti na lamang at mayroon pa ring iilang mga Pilipino na nakakatagpo ng mabubuting mga amo. Tulad na lamang ng isang Pinay na ito sa Kuwait.




Nakilala sa pangalang Jhoy ang Pinay OFW na nakatanggap ng $600 mula sa kaniyang Madam. Mapapanuod sa video kung paanong tinawag ng kaniyang amo si Jhoy at saka inabot ang pera na nagkakahalaga ng $600!




Ang pera na ito ay katumba na ng Php30,000 sa Pinas. Ito raw ay tulong na ng kaniyang madam dahil batid nito na mayroong kinakaharap na problema ang kaniyang pamilya. Ito daw ang paraan ng kaniyang madam upang gantimpalaan siya sa napakagandang pag-aalaga at pagmamalasakit niya sa kaniyang mga anak at sa buong pamilya niya.

Bagamat, nabigla at nasorpresa si Jhoy ay malugod niya pa ring tinanggap ang handog sa kaniya ng kaniyang amo. Wala ring pagsidlan ang kaniyang kagalakan at napayakap na lamang nang mahigpit sa kaniyang madam.

Mayroon ding tip si Jhoy sa kapwa niya mga OFW:
“All of you guys, don’t say ‘I am doing my best’ or ‘I will do my best’ no! Say ‘I will do it’ I will make madam love me by my action. I will make madam loves love me by my work.”





Post a Comment

0 Comments