Marahil ay madalas nating marinig mula sa mga matatanda kahit noon pa man ang kasabihan na “Kung mayroong isinuksok, mayroong madudukot.” Ito ay nagpapaliwanag na kung mayroon kang iimpok o itatabi para sa panahon ng kagipitan ay tiyak na mayroon ka ring magagamit pagdating ng panahon.
Maaaring simpleng kasabihan lamang ito para sa ilang mga Pilipino ngunit mayroon din itong matinding kahulugan para sa marami sa atin. Bago ka makapag-impok ay kakailanganin mo munang maghigpit ng sinturon o mag-impok nang husto.
Dahil dito ay marami sa kaniyang mga katrabaho ang umiiwas sa kaniya. Wala rin siyang kaibigan sa kaniyang pinagtatrabahuhan kung kaya naman palagi siyang mag-isang kumakain.
Isang araw ay kumain siya sa kantina ng kaniyang pinagtatrabahuhan. Dito ay marami ang tumitig at tila nangungutya na agad sa kaniya dahil marahil sa baon niyang pagkain.
Mayroon siyang isang katrabaho na namahiya talaga sa kaniya. Ngunit sa halip na gantihan niya ito ay mas nagpursige pa siya sa buhay.
Isang araw ay napansin nilang hindi pumasok si Raul sa factory. Nagtaka silang lahat ngunit hinayaan na lamang muna nila.
Nang araw din na iyon ay mayroong bagong supervisor na ipakikilala sa kanila. Pagkatapos makatanggap ng masasakit na salita at pamamahiya mula sa kaniyang mga katrabaho.
Ang hindi nila alam ay si Raul na pala ang binigyan ng napakagandang promosyon dahil siya ay nag-aaral bilang isang working student noon ngayon ay isa nang ganap na supervisor. Nagulat silang lahat ngunit nagsilbi rin itong aral para sa mga taong mayroong deteminasyon at pagsusumikap sa buhay.
Hindi natin dapat husgahan o laitin ang ating kapwa dahil lamang sa panglabas nitong anyo o sa kakapalan ng kaniyang bulsa.
0 Comments