Isang anak buhat ang kaniyang ama habang nasusunog ang kanilang tahanan!





Maraming mga banyaga ang namamangha sa mga Pilipino hindi lamang dahil sa pagpapakita natin ng katatagan sa kabila ng mahihirap na kalamidad at pagsubok. Ngunit sadyang malapit din talaga tayo sa ating pamilya.

“Close family ties” ang isa sa pinakasikat na katangian nating mga Pinoy. Magkakalapit ang mga magkakamag-anak, tito, tita, magpipinsan, at lalong lalo na ang mga lolo at lola.



Marami pa nga sa ating ang palaki ng ating mga lolo at lola at talaga namang kakaibang karanasan ito para sa atin. Hindi natin malilimutan ang matinding pag-aalaga at pagmamahal nila sa atin noon hanggang ngayon.



Madalas itong mangyari lalo na kung kailangang iwanan ng nanay at tatay ang kanilang mga anak upang magtrabaho. Ang mga lolo at lola muna ang nakakasama nila habang sila ay naghahanap-buhay.
Tulad ng ating mga lolo at lola wala ring papantay sa pagmamahal sa atin ng ating mga magulang. Ginagawa nilang araw ang gabi, makapagdagdag lamang ng perangipapasok sa ating pamilya.




Mahalaga kasi ito lalo na kung lahat ng mga anak ay nag-aaral na. Ganoon na lamang ang pagsusumikap ng mga magulang para sa kanilang mga anak.



Bilang ganti, ang mga anak naman ay nag-aaral ng mabuti at madalas na tumutulong sa kanilang mga magulang sa oras na makapagtrabaho na sila. Kamakailan lamang ay marami din ang naantig sa larawan na ito ng isang anak habang karga karga ang kaniyang magulang.

Ayon sa ilang mga ulat, nasusunog ang kanilang tahanan ngunit inunang buhatin ng anak ang kaniyang ama kaysa ano pa mang mga gamit sa loob ng bahay. Ito ay dahil mas mahalaga raw ang kaniyang magulang sa kahit anong gamit o bagay sa loob ng kanilang tahanan.

Kahit masakit sa kanila na unti-unting natutupok ng apoy ang kanilang mga pinaghirapan ay malaking pasasalamat pa rin niya dahil walang masamang nangyari sa kaniyang ama. Umani ng maraming papuri ang ginawang ito ng anak para sa kaniyang ama.





Post a Comment

0 Comments