GrabFood rider, hindi nagdalawang-isip na tulungan ang isang matandang lalaki na nangailangan ng kaniyang tulong sa gitna ng kaniyang biyahe!





Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin sa ating kapwa. Marahil ay lumaki kasi tayo at nakasanayan na talaga natin ang pagbibigay ng tulong sa ibang tao lalo na kung batid nating nangangailangan talaga sila ng tulong.



Tulad na lamang halimbawa ng isang GrabFood delivery rider na ito na itinuturing ngayong bayani ng marami dahil sa ginawa niyang pagtulok sa isang matanda. Ibinahagi mismo ng anak ng matandang lalaki sa social media ang nangyari at ang labis nilang pasasalamat sa ginawang kabutihan ng rider.

Ayon sa netizen na nakilala bilang si Gladys Sario Alob, nais daw nilang makilala at mapasalamatan ang rider na tumulong sa kaniyang ama. Kahit daw kasi ito ay kasalukuyang nagtatrabaho ay hindi ito nagdalawang-isip na tulungan ang kaniyang ama.



Dahil sa tila inatake ng karamdaman ang kaniyang ama at hindi ito makapagsalita, hinanap na lamang ng hindi pa nakikilalang rider ang OR/CR sa motor ng matanda ay gamit iyon ay hinatid niya ito sa kanilang bahay. Kung masamang loob ang nakakita sa kalagayan na ito ng kaniyang ama, sigurado si Gladys na mapapahamak ang kaniyang ama.




Ngunit dahil napakabuti ng kalooban ng rider ay siya na mismo ang naghatid sa matanda at sinigurado nitong ligtas itong makakabalik sa kaniyang pamilya. Nais ng buong pamilya na magpasalamat sa kaniya ngunit hindi na nagawa pang magtanong ng kaniyang ina tungkol sa pangalan o cellphone number ng rider.



Kung kaya naman nagbabakasakali siyang makatulong ang social media upang mahanap nila ang taong tumulong sa kanilang ama. Sa paraang ito ay makapagpasalamat sila ng personal at makapagbibigay din ng maliit na gantimpala para sa mabuting rider.

Tunay nga na hindi tayo dapat magdalawang-isip na tumulong lalo na kung buhay at kaligtasan na ng ating kapwa ang nakasalalay. Ano man ang ating edad, estado sa buhay o paniniwala, lahat naman tayo ay mayroong lika na kabutihan sa ating mga puso upang makatulong sa ating kapwa.





Post a Comment

0 Comments