Ulap na Kahugis ng Sto. Niño, Nakuhanan ng Larawan sa Bohol!



Iba't iba ang pinaniniwalaan ng mga tao partikular na sa relihiyon. May kanya-kanya mang paniniwala ang marami sa atin, ay pare-pareho naman tayong tumatawag sa Diyos. Pare-pareho tayong naniniwalang may Diyos na gumagabay sa atin sa araw-araw ng ating pamumuhay at may Diyos na makakapitan natin sa oras ng mga pagsubok.




Isang larawan ng imahe ng Sto. Niño ang nakuhanan ng larawan sa isla Tungod, Bohol na nakaharap naman sa isla ng Cebu.

Marami ang namangha sa ulap na may formation ng Sto. Niño at naniniwala silang may senyales ito. Ngunit may mga nagsasabi din na ordinaryong ulap lamang ito at nagkataong nagpormang Sto. Niño lang ito.




Narito ang kabuuang post:

"Guys! eto po yung cloud formation na nakunan sa Tungod Inabanga, Bohol na may nagpakitang imahe ng Sto.Niño na nakaharap sa isla ng Cebu, marami ang namangha pero ang sabi ng iba ay ordinaryong ulap lang daw ito ngunit mas marami ang nabuhayan ng Pag-asa dahil isa raw itong senyales ng milagro ng Panginoon na sakabila ng pagtuloy na pagdami ng kaso ng C0VID 19 sa Cebu ay meron pa ring tayong Diyos na maaasahan.

Naniniwala ang ilan na pagagalingin ni Hesus lahat ng tinamaan ng v!rus sa Cebu at sa buong Pilipinas at muli nating makakamit ang pagbangon wag lang tayo mawawalan ng Pag-asa, patuloy na lumaban, magdasal at manalangin siguradong magagapi natin ang pandemya sa buong mundo."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments