Mister, nagsumikap na magkaroon ng tatlong trabaho upang mabilhan ng laptop ang asawa niya na isang guro





Ang pagiging guro ang isa sa pinakadakilang propesyon noon at ngayon. Marami sa atin ang talagang nagsusumikap na makapagtapos ng kolehiyo at makapasa sa board exam upang maging isang ganap na guro.



Hindi madali ang maging isang guro dahil sa marami ka talagang pagdaraanan at marami kang gagawing pagsasakripisyo. Ngunit madalas ay hindi na natin nabibigyan pa ng pagpapahalaga ang ating mga guro.

Buti na lamang at marami pa rin ang mga kaibigan at kapamilya na naririyan para sa kanila. Tulad na lamang ng lalaking ito na handang gawin ang lahat para sa kaniyang asawa.




Isang guro kasi sa kindergarten si Narul Abd Rashid, 25 taong gulang. Talagang nasilayan ni Shahrul Amri Ibrahim kung paano nahirapan ang kaniyang misis dahil sa pandemya.




Upang makagawa ng mga lessons ay kinakailangan niyang manghiram ng laptop sa kaniyang mga kapwa guro o di kaya naman ay sa mismong paaralan nila. Madalas ay kailangan pang maghintay ng kaniyang asawa na matapos ang kaniyang mga co-teacher bago siya makagamit ng laptop.



Dahil dito ay naisipan ni Ibrahim na maghanap pa ng ibang trabaho. Maliban sa pagiging isang biomedical technician ay nagtrabaho din siya bilang isang Grab rider. Nagbebenta din siya ng kung ano ano online para lamang makaipon pambili ng laptop ng kaniyang asawa.

At isang araw ay nakabili na nga siya ng isang secondhand na laptop. Sinorpresa niya ang kaniyang asawa at itinago sa kanilang higaan ang laptop na kaniyang binili.


Sinabi niya sa kaniyang misis na mayroon siyang sorpresa sa kanilang kwarto at talaga namang naiyak ito ng ng makita ang sorpresa ng kaniyang asawa. Batid niyang hindi naging madali ang tatlong trabaho na ginawa ng kaniyang mister mabili lamang siya ng ganitong klase ng gadget.

Dahil dito ay labis siyang nagpasalamat sa kaniyang pinakamamahal na asawa na handang gawin ang lahat para sa kaniya.





Post a Comment

0 Comments