Isang masipag na ama, dala ang kaniyang musmos na anak habang naglalako ng paninda sa kalsada!





Noon pa man dama na talaga natin ang hirap ng buhay. Ngunit nang magkaroon ng pandemya sa buong mundo ay talaga namang mas nahirapan ang marami sa atin.



Marami kasing mga negosyo at establisyemento ang nagsara, at mga empleyado na nawalan ng trabaho. Nakakalungkot mang isipin ngunit mas apektado rin ang mga Pilipinong nasa laylayan ng lipunan.

Tulad na lamang ng mag-ama na ito na namataan sa gilid ng kalsada habang nagtitinda sila ng kanilang mga lobo. Bilang isang magulang, talagang mahirap makita sa ganitong sitwasyon ang ating anak.



Nais man nating ilayo sila panganib ay tila imposible ito lalo na kung wala rin naman tayong pag-iiwanan sa kanila. Ito marahil ang dahilan ng ama kung kaya sinama na rin niya ang musmos niyang anak sa kaniyang pagtitinda sa gilid ng kalsada.

Marahil ay pagod ang mag-ama kung kaya naman mahimbing ang tulog ng bata at medyo nakayuko ang ama nito na tila namamahinga rin. Marami rin ang nakapansin na napakainit sa gilid ng kalsada kung kaya naman tiyak na hirap din ang mag-ama.


Isang netizen din naman ang nagnais na makatulong sa mag-ama. Siya ay nakilala bilang si Lim Shiwen.

Nais daw niyang matulungan ang mag-ama kung kaya naman nais niyang matunton kung nasaan ang mga ito. Ang nais niyang gawin ay mabili ang lahat ng lobo ng mag-ama at ibigay ng mag-ama ang mga lobong ito sa bawat batang makikita nila sa daan.

Maging ang pangangailangan nila lalong-lalo na ng bata ay nais na din niyang sagutin. Tunay nga na marami ang natuwa sa pagnanais niya na matulungan ang mag-ama.

Sa kabila ng hirap ng buhay na nararanasan natin sa ngayon ay marami pa rin ang nagnanais na tumulong sa mga taong mas nangangailangan. Nawa ay matagpuan na ni Lim ang mag-amang ito upang matanggap na nila ang tulong na nais niyang ipaabot sa kanila.







Post a Comment

0 Comments