Mayroon tayong kaniya-kaniya nating dalahin sa buhay. Mayroon din tayong kaniya-kaniya nating pangarap, personal man ito o para sa ating mga pamilya.
Hindi lahat tayo ay pinalad na maisilang sa isang mayamang pamilya ngunit hindi naman ito nangangahulugan na malas na tayo dahil sa ating mga pamilya. Nasa sa atin ito kung ano ang magiging aksyon natin upang mabago ang ating buhay at ang buhay ng ating pamilya.
Hindi kasi natin maaaring iasa sa ibang tao ang pag-asenso natin, ito ay nasa sa ating mga gawa kung kaya naman dapat ay maging determinado tayo sa kabila ng mga pagsubok at hamon ng buhay. Maagang namulat sa hirap ng buhay si Khanittha Phasaeng, isang magandang dalaga sa kanilang bayan.
Ngunit hindi ito naging hadlang upang mangarap siya na maiaahon niya rin ang kaniyang pamilya sa hirap ng buhay. Taong 2015 nang siya ay magwagi sa Miss Uncensored News Thailand.
Sa kaniyang pag-uwi sa kanilang tahanan ay hindi niya nakaligtaan ang kanilang tradisyon na pagbibigay-galang sa kanilang mga magulang. Ang kaniyang ina ang siyang nagpaaral at sumuporta sa kanilang magkakapatid kahit pa nga pamamasura lamang ang kaniyang trabaho.
Talaga namang nakita niya ang sakripisyo at paghihirap ng kaniyang ina para sa buo nilang pamilya. Kahit pa nga nakasuot ng gown, korona, at sash ang 17 taong gulang na dalaga ay hindi niya ito alintana maipakita lamang ang paggalang at respeto niya sa kaniyang pinakamamahal na ina.
Maraming mga netizens ang naantig ang puso sa ginawang ito ng dalaga. Talaga namang naging napakagandang ehemplo niya sa marami pang mga kabataan na tila hindi nakikita at napapansin ang paghihirap ng kanilang mga magulang.
Kung sana lahat ng mga anak ay magkakaroon ng ganitong pagtrato sa kanilang mga magulang, tiyak na magiging maayos ang ating buhay. Ang isang magalang at mapagmahal kasing anak ay pinagpapala ng Diyos.
0 Comments