Jake Zyrus, Matapang na Ibinahagi ang Kanyang 'Shirtless Selfie' sa Social Media!



Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan na ibinahagi ng singer na si Jake Zyrus o mas kilala noon bilang Charice Pempengco. Kasabay ng kanyang pagbabagong kasarian at anyo ay pinalitan na rin niya ang kanyang pangalan. Sa kanyang "Shirtless selfie" ay ipinagmalaki niya sa lahat kung sino siya ngayon at kung gaano siya kasaya.



Aminado siya na pinag-isipan niya muna kung ipo-post niya ito sa social media dahil iniisip din niya ang magiging reaksyon ng mga tao sa kanya. Ngunit dumating na ang araw para kay Jake na kailangan na niyang palayain ang sarili mula sa tak0t at pangamba na sasabihin sa kanya ng iba.

Marami man ang hindi natuwa sa kanyang ginawa ay marami pa rin na sumusuporta at nagpapakita ng pagmamahal sa kanya.




Narito ang kabuuang post ni Jake sa kanyang facebook account:



Una sa lahat salamat sa lahat ng napakaganda nyong comments sa version ko ng Maghintay Ka Lamang. Mahal ko kayong lahat.
 
Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba 'to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.
 
Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.
 
Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to.
 
Kung hindi ka man handa pa, okay lang din yun. Lahat yan may tamang panahon.
 
Well. This is me guys.
 
Mahal ko kayong lahat.
 
Jake"



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments