Isang 73-anyos na matanda, malapit nang makamit ang kaniyang dream house sa pagtitinda lamang ng pastillas at polvoron!





Lahat naman tayo ay mayroong pangarap sa buhay. Maaaring ito ay personal o di kaya naman ay para sa ating pamilya. Maaaring marami tayong kinakaharap na pagsubok at paghihirap ngunit hindi ito magiging dahilan upang tuluyan tayong sumuko sa hamon ng buhay.



Ngunit kailan nga ba tayo dapat sumuko at huwag nang magpatuloy sa mga plano na atin nang nasimulan? Para kasi kay Lolo Pops, walang makakapigil sa kaniya sa pag-abot niya sa kaniyang mga pangarap at isa na rito ang pangarap niyang bahay.


Marami ang namangha sa 73-anyos na matandang lalaking ito dahil sa kaniyang edad ay malapit na niyang makamit ang pangarap niyang bahay! Siya ay kilala bilang si Lolo Pops, talaga namang napakasipag niya dahil sa kabila ng kaniyang edad ay talagang naisakatuparan pa rin niya ang isa sa kaniyang mga pangarap sa buhay.



Maalalang taong 2016 nang sumikat sa social media si Lolo Pops habang nagtitinda siya ng mga lollipop sa isang paaralan sa Angeles, Pampanga. Ngunit tulad ng maraming mga Pilipino ay naapektuhan din si Lolo Pops ng pandemya.

Nagsara kasi ang factory ng candy na kaniyang pinaghahanguan. Ngunit hindi ito naging dahilan upang sumuko at panghinaan siya ng loob. Nagpatuloy pa rin kasi siya sa paghahanapbuhay ngunit ngayon ay pastillas at polvoron naman ang kaniyang itininda.

Sa loob ng isang taon ay nakapagtabi at nakapag-ipon siya ang pampagawa ng kaniyang bahay. Ayon sa netizen na si Mia Arias, mayroon nang higit sa 62,400 followers ang Shopee ni Lolo Pops.

Marami raw ang umoorder sa kaniya dahil talagang masarap ang kaniyang mga paninda. Talaga namang napakasipag at determinado ni Lolo Pops at hindi ito nagpatinag kahit pa sa pandemya para matupad ang kaniyang pangarap sa buhay.



Isang napakalaking hamon nito para sa atin lalo na kung tayo ay malakas at bata pa. Hindi kailan man nagreklamo si Lolo Pops sa kahit anong bagay, bagkus ay mas naging masigasig pa siya sa paghahanap-buhay dahil batid niyang magbubunga rin ang lahat ng kaniyang mga paghihirap at sakripisyo.





Post a Comment

0 Comments