Kilalanin ang 25-anyos na babaeng nagsilang ng siyam na sanggol o “nonuplets” at ngayon ay may hawak na ng world record!





Maraming mag-asawa ang matagal nang pangarap na magkaroon ng anak ngunit hindi sila nabibiyaan habang mayroon din namang iilan na hindi sinasadya na nakarami na ng mga anak. Mayroon tayong kaniya-kaniya nating paniniwala at prinsipyo patungkol sa pagkakaroon ng anak ngunit ang pagkakaroon ng mga ito ay isang napakagandang biyaya mula sa Diyos.



Kamakailan lamang ay marami ang namangha dahil mayroong isang 25-anyos na babae ang nagsilang ng siyam na sanggol o “nonuplets”! Siya ay nakilala bilang si Halima Cisse mula sa Mali. Sinong mag-aakala na magsisilang siya agad ng siyam na mga sanggol!

Sa ngayon ay hawak niya ang world record sa pagsisilang ng pinakamaraming sanggol sa isang anakan lamang. Ayon sa ilang mga ulat, sa kaniyang ultrasound sessions daw niya ay nakita ang pitong mga sanggol sa kaniyang sinapupunan ngunit laking gulat na lamang ng mga doktor at nars na siyam ang isinilang ni Halima nang araw ng kaniyang kapanganakan.




Mayroon siyang limang lalaking supling at apat naman sa mga ito ay babae. Ayon naman kay Dr. Fanta Siby na isang Health Minister sa Mali ay maayos naman ang kalagayan ng mag-iina at malusog naman ang kaniyang siyam na mga sanggol.

Ang kaniyang pagbubuntis ay naging maselan ngunit sinuportahan naman sila ng kanilang gobyerno pagdating sa pinansiyal nilang pangangailangan. Kinailangan nilang sumailalim sa isang medical evacuation sa Morocco upang mas masiguro ang kanilang kaligtasan.

Maging ang presidente ng Mali ay bumati sa mag-asawa sa mga biyayang kanilang natanggap. Dumating din ang representative ng Guinness World Records na nag-verify sa estado ng kalusugan ng mag-iina na kanila ring prayoridad.

“We are yet to verify this as a record as the wellbeing of both the mother and babies are of top priority.” Sila ang nangongolekta ng mga impormasyon at handa rin silang tulungan upang maipakonsulta sila sa espesiyalista para sa posibleng record nila.







Post a Comment

0 Comments