Aktres na si Luz Fernandez, Pumånaw na sa Edad na 86



Pumånaw na ang beteranong aktres na si Luz Fernandez nitong Marso 5 sa edad na 86. Siya ay ipinanganak noong Hunyo 13, 1935 sa Lungsod ng Maynila. Nakilala siya sa mga ginampanan niyang role sa Malinak ya Labi (2016), Ursula (1976) at Rodrigo de Villa (1952). Lagpas na sa 50 taon ang itinagal ni Luz sa karera ng showbiz.




Noong 1950s nang maging parte siya ng mga radio dramas sa DZRH kung saan ginampanan niya ang role na Lola Basyang. Nakilala rin siya sa role bilang Luka, Reyna ng Kadiliman sa Okay Ka, Fairy Ko.

Ginampanan din ni Luz ang isang role sa Pepito Manaloto kung saan siya si Lola Yolanda. Ginampanan niya ang papel bilang Magda sa Kambal Karibal at Amaya bilang Gawas. Muli rin niyang binalikan ang karakter na Lola Basyang noon 2015 sa Tatlong Kuwento ni Lola Basyang ng Ballet Manila.




Ayon sa isang interview ng aktres noon para sa Tatlong Kuwento ni Lola Basyang, halos 30 na magkakaibang radio drama ang kaniyang ginagawa noon para sa Manila Broadcasting Company. Noong kabataan ni Luz ay gumanap din siya sa 13 mga dula ni Wilfrido Ma. Guerrero. Huli siyang napanood sa And I Thank You ni Ai-Ai Delas Alas noong 2019.

Nakahimlåy ngayon ang beteranong aktres sa Sapphire 1 ng Loyola Memorial Chapels sa Marikina City ang kanyang mga labi, na nakatakdang ilibing sa Miyerkules, March 9, 2022.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments