Ama, Nagsumikap sa Pagpapadyak; Nakapagpatapos ng Anak Bilang Magna Cum Laude!



"Ang tagumpay ng anak ay tagumpay na rin ng magulang." Nagbigay ng inspirasyon ang kwento ng isang anak kung saan ibinida niya ang kanyang ama na isang pedicab driver. Dahil sa pagsasakripisyo nito sa pagpapadyak ay nakapagtapos ng kolehiyo si Sandra Estefani Ramos bilang isang Magna Cum Laude. Ang sakripisyo ng kanyang ama ay sa wakas, nagbunga na!



Sa kanyang ama humuhugot ng motibasyon si Sandra para mas pagbutihan ang pag-aaral. Ibinahagi niya sa kanyang post ang sakripisy0 ng kanyang ama mapag-aral lamang siya.

Simula sa paghatid ng kanyang ama gamit ang de-padyak sa eskwela hanggang sa makapag tapos siya ng kolehiyo. "After so many years of hard work and sacrifices, Papa, Mama, heto na! 'Pa, ihatod mo na po ang Magna Cum Laude mong aki gamit ang satong padyak!"



"I am proud that my father is a pedicab driver. And indeed, he is the true magna cum laude. All glory be to God," dagdag ni Sandra sa kanyang post.

Dahil sa tagumpay ni Sandra ay halos abot-langit ang ngiti ng kanyang ama na tila sinasabi niya "Sa wakas, nakatapos na ng pag-aaral ang anak ko!"

Nagtapos si Sandra sa kursong Bachelor of Secondary Education sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology. Ang general weighted average niya ay 1.49. Kabilang si Sandra sa mga pumasa sa December 2019 Licensure Exam for Teachers.




Kasalukuyang Junior High School Teacher na si Sandra sa Camarines Sur National High School.

"Lagi ko siyang niyayakap pag hinahatid niya ako sa terminal. Hindi ko naranasang maging pedicab driver, pero pag tinitingnan ko siya, parang nararamdaman ko yung hiråp kaya lalo kong ginagawa ang best ko.

"Kahit ngayon hindi ko pa po alam kung paano ko na-achieve yung ganung honor. Kahit alam ko na may mas matalino kaysa sa akin, I still do my best.

"Kahit hindi ko po alam kung paano, alam ko po kung sino yung mga tao na naging rason bakit ako naging magna cum laude."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments