Kris Aquino, Ipinagbilin na Umano Ang Mga Anak sa Kanyang Mga Kapatid Ayon kay Cristy Fermin!



Sa latest episode ng "Showbiz Now Na!" na online talk show ni Cristy Fermin ay napag-usapan ang kalusugan ni Kris Aquino na kasalukuyang may malubhang karåmdaman. Ayon kay Cristy, ipinagbilin na umano ni Kris ang kanyang dalawang anak na lalaki na sina Josh at Bimby sa mga kapatid ng aktres kung sakali na hindi magiging successful ang kanyang pagpapagam0t.




"Ito po 'yung nakakalungkot. Kwento rin po naman ito mula din sa kanilang pamilya, na si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid," ani ni Cristy. "Kung ano man ang mangyari sa kanya, alam ng kanyang mga kapatid kung ano ang gagawin," dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, inihayag ni Cristy ang kanyang nararamdamang awå sa mga anak ni Kris lalo na kay Josh na mas nangangailangan ng atensyon niya.




Si Kris ay isang aktres, TV host, producer at endorser. Siya ay anak nina dating Sen. Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong Cory Aquino. Siya rin ay kapatid ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments