Dating Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe, Binawian ng Buhay!



Ang dating prime minister ng Japan na si Shinzo Abe ay kumpirmadong wala ng buhay matapos siyang barĂ¯lin sa isang campaign event noong Biyernes, ayon sa ulat ng public broadcaster na NHK at Jiji news agency.

"According to a senior LDP (Liberal Democratic Party) official, former prime minister Abe died at a hospital in Kashihara city, Nara region, where he was receiving medical treatment. He was 67," ani ng NHK.




Sinabi ni Hidetada Fukushima, propesor ng emergency medicine sa ospital ng Nara Medical University, na si Abe ay nasa state of cardiĂ¥c arrest nang dumating siya.

"Shinzo Abe was transported at 12:20 pm. He was in a state of cardiac arrest upon arrival," ani ni Fukushima.

"Resuscitation was administered. However, unfortunately he died at 5:03 pm," dagdag pa niya.

Dinala sa ospital si Abe sa pamamagitan ng helicopter matapos magpaputok ng bĂ¥ril habang nagbibigay ng campaign speech ang dating punong ministro sa kanlurang rehiyon ng Nara.




Ngunit wala nng nakikitang vital sign sa kanya nang makarating siya sa ospital at may mga tama ng bala sa leeg at dibdib. Isang bala ang tila pumasok sa kanyang kaliwang balikat.

Binawian ng buhay si Abe dahil sa pagkawala ng dug0 kahit na nasalinan na siya ayon kay Fukushima.

Ang asawa ng dating punong ministro na si Akie Abe ay dumating sa ospital noong Biyernes ng hapon at sinabi ni Fukushima na ang pamilya ay naabisuhan tungkol sa pagkawa ni Abe.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments