Kamakailan lamang nang ilabas ang bagong disenyo ng 1,000 peso bill. Marami ang natuwa sa bagong disenyo ng 1,000 peso bill dahil sa materyales na ginamit dito. Ngunit isang netizen naman ang labis na nadismaya nang hindi tanggapin sa isang mall ang ibinayad niyang 1,000 peso bill dahil nakatupi umano ito.




Ayon sa facebook post ni Reylen Lopez, hindi umano siya na-inform na bawal palang tupiin ang bagong 1,000 peso bill. Nalaman na lamang niya ito nang ibabayad na siya ang pera sa isang mall.

"'Wag na po kayo mag-ipon ng bagong 1k! Bawal daw po i-fold o tupiin as per SM management. I-pangbabayad ko sana ito, hindi nila tinanggap. Bawal daw tupiin. Hindi kami na-infowm. Ako lang ba hindi nakakaalam? Hays."





Nagbigay ng paalala si incoming BSP Gov. Felipe Medalla na bawal tupiin ang bagong 1,000 peso bill at hinimok niya na kinakailangan ng mahabang wallet para paglagyan ng bagong 1,000 peso bill. Ito ay para hindi umano masira ang bagong labas na 1,000 peso bill na gawa sa polymer.

Source: Noypi Ako