Korina Sanchez Took Master's Degree: "I took up my Masters past 50"



Binalikan ni Korina Sanchez ang naging journey niya ng kumuha siya ng kanyang masters degree noon sa Ateneo de Manila noong 2016. Ibinahagi ni Korina sa kanyang instagram post ang ilang larawan ng kanyang graduation.

"Awwwww….I received these photos from three different people today. Anniversary nga pala of my graduation from Masters in Journalism from the Ateneo a few years back."





Ayon kay Korina, mahigit 50 years old na siya noong kumuha siya ng masters degree at dati din daw siyang napagkamalang guro dahil sa kanyang edad.

"Yep. I took up my Masters past 50! Akala yata ng classmates ko pagpasok ko ng classroom na ako ang teacher."





Pinagsasabay din ni Korina ang pagtatrabaho bilang news anchor sa TV Patrol at pag-aaral noon. "Bucket list. Just do it. I was attending classes online while anchoring TV Patrol everyday," aniya.

"Studying from an ‘older’ mind and graduating [with] a masters degree has been one of the most exhilarating experiences yet. NEVER SAY NEVER! And always know it’s never too late!"

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments