Youtube Couple Cong TV and Viy Cortez Welcome Their Baby "Kidlat"



Ang Youtube Couple na sina Viy Cortez at Cong TV ay masayang winelcome sa mundo ang kanilang 1st baby na si Baby Kidlat. Ito ay matapos kumpirmahin ng VIYLine Media Group ngayong Martes, Hulyo 5.

"Kayong dalawa ang mundo ko. Salamat Lord salamat sa biyaya," ani ni Viy sa kanyang facebook post.




Matatandaang ibinahagi noon ni Viy sa kanyang youtube channel kung paano niya nalaman na siya ay nagdadalang-tao. Matagal na nila itong pangarap kaya naman parating ibinabahagi ni Viy ang journey ng kanyang pagbubuntis.




"Zeus Emmanuel "Kidlat" Cortez-Velasquez" ang pangalan ng baby boy nina Cong at Viy.

Marami naman ang bumati sa Youtube couple na ito sa panibagong blessing na kanilang natanggap.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments