DSWD, Mamamahagi ng Tulong Pinansyal sa Mga Estudyante



Magsisimula na ang Educational Assistance Payout sa Sabado na gaganapin sa DSWD Central Office, simula alas-7 ng umaga tuwing Sabado Simula sa August 20, 27 at September 3, 10, 17, 24 ito ay matapos ianunsyo ni DSWD Sec. Erwin Tulfo sa publiko. Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ay tulong ng DSWD para sa mga student-in-crisis sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng school supplies, projects at iba pa.


Mga halimbawa ng student-in-crisis: Breadwinner, working student, ulila o inabandona na nakikitira lamang sa kaanak, anak ng solo parent, walang trabaho ang mga magulang, anak ng OFWs, anak ng biktima ng HIV, biktima ng pang-aabus0, biktima ng kalamidad o sakuna.


Magkano ang makukuha ng student-in-crisis? P1,000 sa elementary P,2000 sa highschool, P3,000 senior highschool, at P4,000 vocational/college student.

Magtungo sa DSWD Central Office at maaari ring mag-email ng request sa ciu.co@dswd.gov.ph at antayin ang text confirmation.



Paalala lamang na hanggang tatlong anak kada pamilya lamang ang makakatanggap ng cash assistance. Narito ang mga requirements na kailangan dalhin: Dokumento na nagpapatunay na enrolled ang bata, Authorization Letter (kung hindi makakapunta ang nag-apply ng assistance), at Valid ID ng magulang-Guardian ng bata.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments