Smokey Manaloto, First time Maging Tatay sa Edad na 51: " Akala ko huli na, hindi pa pala"



Kakaiba ang pakiramdam na maging first time parent. Kaya naman tila nasa alapaap ngayon ang nararamdaman ng aktor na si Smokey Manaloto. Ibinahagi ng aktor ang "something big" na nangyari sa kanyang buhay. Sa edad ni Smokey na 51-anyos ay inisip niya at ng mga tao sa paligid niya na wala ng pag-asa ng magkaroon siya ng anak at huli na ang lahat para sa kanya.



"Sabi nila, wala ka nang pag-asa! Sabi nila, huli ka na sa biyahe! Akala ko huli na, hindi pa pala. Eto na yung something big na nangyari sa 'kin!" ani ni Smokey sa video.

Ang baby ni Smokey at ng kanyang non-showbiz partner ay pinangalanan nilang 'Kiko' Manaloto. Desyembre 2021 nang malaman nilang nagdadalang-tao ang partner ni Smokey at Agosto 2, 2022 nang isugod ito sa ospital. Eksaktong alas-dose ng madaling araw nitong Agosto 4 ay isinilang na si Baby Kiko.



"Ladies and gentlemen, we would like you to meet our 'Kiko' Manaloto," ani ng aktor.

Kinlaro naman ni Smokey ang kanyang tunay na edad dahil inakala ng marami na siya ay 44-anyos pa lamang.

"Nakakatuwang mabasa na ang edad ko pala sa internet ay 44. 51 na po ako,"

"Kahit na gustuhin ko man...Baka magalit sa akin ang mga netizens.Hehehe...#51not44," paliwanag ng aktor.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments