83-Anyos na Lolo, Pinaka-Matandang Naka-Akyat sa Mt. Apo



 Isang 83 years old na lolo ang pinangaralan ng Trailblazer Award pagkatapos nitong akyatin ang pinaka mataas na bundok sa Pilipinas, ang Mt.Apo, noong Sept 11, 2022, sa pamamagitan ng Sta Cruz Boulder Face Trail, at sa pag gabay nina Sir Lito Palao at Sir Arnel Senedo, na miyembro ng Sta Cruz Mount Apo Guides Association.


Siya si Tatay Pascacio M. Carcedo na taga Davao City. Siya din ang pinakamatandang naitalang climber ng Mt. Apo. Tinalo nito ang isang Singaporean Climber na gumawa rin ng tagumpay noong 2021 sa edad na 80 yrs old. Bilang paghahanda, ay inakyat ni Tatay Casio ang 3 maliliit na bundok sa Sta Cruz.


Dalawang beses niyang inakyat ang Bamboo Peak sa Jose Rizal, Mt. Loay sa Zone 2 at Mt. Dinor sa Sinoron. Buong galak siyang ipinagmamalaki siya ng Sta Cruz Tourism Office at ng kanyang mga kababayan. 

Lubos namang nagpapasalamat si Tatay Casio sa lahat ng mga taong tumulong at gumabay sa kanya, na dahilan ng kanyang tagumpay sa pag akyat ng Mt. Apo.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments