Niraid ng mga pulis nitong Miyerkukes, ang kabubukas pa lamang na bilyaran sa may Sto. Thomas, Batangas, kung saan ay naroon din ang Beterano at Legend sa Billiards na kilala sa tawag na "The Magician" Efren "Bata" Reyes, dahil umano sa illegal activities at paglabag sa safety and health protocols.
Kitang kita sa isang Live sa Facebook ang pag raid ng mga pulis sa bilyaran kung saan nga ay naglalaro si Efren "Bata" Reyes laban kay Charlie "Lapuk", pagdating ng mga pulis ay kanya kanya ng tumakbo at nag pabic ang mga tao sa loob, makikita rin na hindi tumakbo si Efren at pinagilid lamang siya ng mga pulis dahil baka siya ay lalo pang mabangga at masaktan sa mga tumatakas na manonood, hindi naman maipagkakaila sa kanyang mukha ang nerbyos at takot.
Ayon sa panayam kay Efren, ay hindi raw niya alam na may ilegal ng nangyayari roon, inimbitahan lamang daw siya upang maglaro at mang aliw ng mga manood, dahil kabubukas pa lamang ng bilyaran. Inimbitahan na rin siya sumama sa istasyon ng pulis upang hingin ang kanyang paliwanag at agad din naman siyang pinauwi ng mga ito.
19 ang naaresto ng nga pulis at nakumpiska ang 14,000 pesos na pusta.
Ngayon ay magiging maingat at mapili na raw si Efren "Bata" Reyes sa kanyang mga dadaluhang billiard events.
“Kapag may nag-imbita sa akin, humingi muna sila ng permit sa barangay, mayor, o police chief, para maiwasan ang raid"
"At least may permit. Kung walang permit, hindi ako pupunta. Mahirap na. Dapat may permit at dapat pangalanan," sabi ni Efren "Bata" Reyes.
Matatandaan din na noong Marso 2021, ay sinalakay ng mga pulis ang isang billiard events sa San Pedro, Laguna, at naroon din si Efren "Bata" Reyes, dahil naman ito sa umano'y paglabag sa health and safety protocols noong panahon ng C0VID-19 pandemic.
Source: Noypi Ako
0 Comments