Masayang ibinahagi ng aktor na si Mike Tan sa kanyang Instagram account, ang matagumpay niyang pagtatapos sa kolehiyo, na may caption na "Finally #virtualgraduation".

Nagtapos ng Bachelor of Arts in Psychology si Mike Tan sa Arellano University, at masaya siyang nag celebrate at nagbahagi ng mga larawan sa ginanap na virtual graduation , kung saan makikita ang kanyang litrato na nakasuot ng toga.


Pinasasalamatan rin ng aktor ang kanyang mga guro sa hayskul, professor, mga kaklase, kanyang manager at handler, mga kapwa artista, kaibigan, magulang at mga kapatid.


Sila ang mga taong tumulong at gumabay sa kanya, upang matapos niya ang kaniyang pag aaral. Lubos rin ang kanyang pasasalamat sa kanyang non-showbiz wife na si Cris at sa kanyang dalawang anak na sina Tori at Prisci.

Narito ang mismong post ni Mike Tan sa kanyang mga social media account, nakalahad ang mga taong lubos niyang pinasasalamatan.

''I am grateful to God for His presence, provision, and His pipelines of grace, like:
my manager Boss Vic @bossenteng, Gerald @gehgehc my handler, my professor friend Jules @pleurotus_djamor, my high school teacher Ms. Aida Reyes-Guloy, and my best friend AJ @iamannejohanna who all helped me with my initial enrollment requirements; our ETEEAP coordinator Ms. Faye Palanca @mariecherrinefaye who patiently assisted me from the start till the end of the school year; my supportive and helpful classmates Des Ygot @dess_ert, JM Santos @empoysantos16, Say Basilan @saybasilan, and our class president Christopher Jalbuena @chrisjalbuena; ALL OUR UNIVERSITY PROFESSORS AT AU, especially Prof. John Marc Balano and Prof. Nestor Limqueco; my thesis adviser Dr. Jinamarlyn Doctor @jainah06 for her encouragement, kindness, and guidance; the thesis defense panelists Dr. Paulo Macapagal and Dr. Hazel Martinez whose insights helped improve my research; ALL MY FELLOW ACTORS AND CELEBRITIES WHO EAGERLY PARTICATED IN MY RESEARCH; my parents and siblings; my wife Cris and my daughters Tori and Prisci who inspired me to go through this program (despite the pandemic) and finally receive my college degree–I THANK THE LORD FOR ALL OF YOU.''


Marami rin ang nagpa abot ng pagbati para kay Mike Tan, lalo na ang kanyang mga supporters, mga kapwa artista at mga kasama niya sa industriya.


Si Jan Michael Silverio Tan o mas kilala nating Mike Tan, ay nakilala sa isang reality show na "StarStruck" na ipinalabas sa GMA Network, siya ang naging Ultimate Male Survivor sa second batch sa nasabing show.

Source: Noypi Ako