Isang nanay sa Zamboang Del Sur ang binawian ng buhay matapos madaganan ng puno ng niyog sa kanila mismong bahay, nailigtas niya ang kanyang 3 buwang gulang na anak.
Siya si Norelyn Nortal, 21 years old, mula sa Dinas, Zamboanga Del Sur, nagpapatulog siya ng kanyang anak na 3 months old ng mangyari ang sakuna, habang ang kanyang asawa ay nasa Pagadian City nagtatrabaho.
Isang malaking buhawi na may malalakas na hangin at ulan ang tumama kamakailan sa Zamboang Del Sur, napatumba nito ang kalapit na puno ng niyog na tumama naman sa kanilang bahay, at makikita rin sa mga larawan na sakto ito sa kanilang hinihigaan.
Nailigtas ni Norelyn ang kanyang anak sa malaking disgrasya ngunit sa kasamaang palad ay siya ang lubos na napinsala at nasawi sa nangyaring insidente.
Nagtamo naman ng maliit na gasgas o minor injury ang kanyang 3 buwang gulang na anak, sa ngayon daw ay ang mga concerned citizen ang nagpapadede sa baby kapag nagugutom ito.
Source: Noypi Ako
0 Comments