Isang Biker Pinainom ng Tubig Galing Sa Sapa Na May Naliligong Mga Kalabaw




 Viral ang in upload na video ng isang grupo ng kabataang siklista, na nag alok at nag painom ng tubig sa kapwa nilang siklista na kasali sa Masskara Biking Event sa Bacolod City, ang tubig pala na inabot at ipinainom dito  ay madumi at isinalok ng lalaking siklista mula sa katabing sapa.


Makikita sa inupload na video, ang pag alok ng lalaking siklista sa kapwa nito siklista, ngunit ang tubig pala na ito ay galing sapa na nilulubluban at nililiguan ng mga kalabaw, makikita rin sa unahan ng video ang pagsalok ng lalaki ng tubig sa sapa. Dumaan ang siklista at inialok niya ito, ininom naman agad ito ng kalahok pagkatapos ay ibinuhos nila ito sa bandang likuran, at sabay sabay nilang pinagtawanan ang siklista. tuwang tuwa pa sa kanilang pinag gagawa.


Kinilala ang biktima na si Kylie Nichole Montecado, wala naman daw naramdamang kakaiba ang siklista pagkatapos nyang ininom ang tubig, ngunit magpapakunsulta na rin siya para sa kanyang kasiguraduhan.


Pinatawag naman ang grupo ng kabataan na nakita sa video at kakausapin ng personal kasama ang kanilang mga magulang. Magsasampa rin daw ng kaso ang siklistang pinainom ng maruming tubig.



Pinaalalahanan naman ang lahat na huwag na huwag itong gagawin kahit kanino dahil napaka delikado ito sa kalusugan ng tao.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments