Ibinahagi ng isang concerned netizen na si JnEFamVlog, ang naging sitwasyon ng isang bulag na tindero, na niloko ng isang customer habang siya ay nagtitinda sa Basak, Lapu lapu City.
Binayaran di umano ang tindero ng pekeng Isang Libo (1,000 pesos) ng kaniyang isang customer na bumili sa kanyang panindang mga facemask.
Nagtitinda ito ng mga facemask na nagkakahalaga ng P100 pesos, nang may bumili sa kanya at ang pera ay 1k, sinuklian niya ito ng P900 pesos, lingid sa kanyang kaalaman na peke pala ang inabot na pera sa kanya.
Nang inupload na ito ay marami ang naawa kay tatay at nagalit sa nangloko sa tindero, agad namang inereport sa kanilang barangay ang insidente at hinahanap na ngayon ang nagbayad ng pekeng pera.
Sa kabila naman ng pagkalugi ni tatay, ay bumuhos naman ang mga biyaya para sa kaniya, mayroong mga nagpa abot ng tulong pinansyal para sa matanda.
Ngunit hindi talaga nawawala ang manloloko sa mundo, sa update post ni JneFamVlog ay mayroon daw nais mang scam sa gcash account nila tatay, hinihingi daw ang code nito uoang makapag send ng 20,000 pesos sa kanilang account.
Agad naman niya itong pinayuhan na huwag na huwag ibibigay ang code dahil hindi naman iyon kailangan kapag magpapadala ng pera.
Source: Noypi Ako
0 Comments