Dismayado ang mayor ng Silang, Cavite na si Mayor Kevin Amutan Anarna, matapos niyang inspeksyunin ang isa sa kanilang pampublikong paaralan.
Nakita niya na ang mga hindi pa tapos na gusali ng paaralan ng Lucsuhin Elementary School, iniwan lamang daw ito ng contractor ng hindi pa natatapos, at nahihirapan ang mga estudyante na magklase lalo na kapag umuulan, dahil kailangan pa nila magpayong sa loob ng classroom upang hindi sila mabasa.
Nagawa raw na mabayaran ng buo ang contructor kahit na malayo pa naman daw ito matapos.
Labis na pasakit ito sa mga batang mag aaral doon, lalo na sa mga estudyanteng may special needs na nagka classroom na lamang sa canteen.
Inaantay na lamang ang opisyal na report ng Special Technical Audit Team ng Commission on Audit tungkol sa paaralan na hindi natapos pero nabayaran ng buo, sasampahan nila ng kaso ang mga opisyal na kinurap ang budget ng paaralan.
Kung mayroon daw kayong iba pang mga hindi tinapos na gusali o katiwalian na mau kaugnayan dito ay agad makipag ugnayan lang sa kanyang tanggapan.
"We must stop electing C0rrupt P0liticians so this will never happen again.
Tuwing umuulan ay nakapayong sa loob ng covered court ng Lucsuhin ang mga estudyante ng Lucsuhin Elementary School dahil hindi tinapos ang tatlong palapag na gusali na nagkakahalaga ng 37 milyong piso.
Illeg@l na nagawan ng paraan na mabayaran ang contractor kahit malayo pa na matapos ito.
May pagkakataon pang hindi makapasok ng ilang araw ang ibang estudyante dahil nagkakasakit sa pakabasa sa ulan habang nagkaklase.
Kahapon nag ikot ako sa paaralan para alamin ang kalagayan ng mga studyante natin na may special needs at pangangailangan ng mga SpEd classrooms.
Natuklasan ko na may gusali para sa SpEd children ang iniwan din ng contractor matapos ang nakaraan elect!on. Ang nakakalungkot dito ay nagawan din ng paraan na mabayaran ito ng buo kahit hindi pa ito natatapos.
Ngayon ang mga studyante natin na may special needs ay nagklaklase tuloy ngayon sa canteen ng paaralan.
Kailangan na nating wakasan ang k0rupsyon at huwag pumili ng leader na pang sariling interes lang ang iniisip kahit ikakapahamak pa ito ng kanyang nasasakupan upang hindi na maranasan pa ito ng mga susunod na henerasyon.
Hinihintay nalang natin ang opisyal na report ng Special Technical Audit Team ng Commission on Audit tungkol sa paaralan na hindi natapos pero nabayaran ng buo. Ma isasampa na natin ang kaukulang kaso sa mga taong ganid, mapagsamantala at nagpapahirap sa ating kababayan.
Kung may alam pa kayo na mga proyektong hindi na tinapos o katiwaliian na katulad nito ay makipag ugnayan lamang po sa ating tanggapan." - ayon sa mismong post ni Mayor Kevin Amutan Anarna
Source: Noypi Ako
0 Comments