Nasawi ang 29-anyos na lalaki, matapos nitong laklakin ang isang bote o ''long neck'' na alak, para sa papremyong P20,000 pesos, sa Barangay Looc Villanueva, Misamis Oriental.
Kinilala ang lalaki na si Richie Dumaloan, dahil sa pangangailangan nito sa pera ay kumasa siya sa nasabing challenge. Ang hamon ay maubos ang isang long neck na alak sa loob ng 20 seconds.
Ininom ni Richie Dumaloan ang isang long neck, siya ang unang nakatapos at siya rin ang unang naka ubos ng alak, natanggap niya ang kaniyang premyo, ngunit ilang oras lamang ang nakalipas ay nag-lock ang panga nito at nawalan na ng malay.
Naisugod pa sa ospital ang biktima, ngunit ayon sa mga doktor ay hindi na kinaya ng kanyang mga internal organs at bumigay na ito, umakyat na rin daw ang alkohol sa utak nito sa dami niyang nainom at hindi na tinatablan ng gamot.
Nasawi si Richie habang siya ay ginagamot sa hospital.
Ang biktima ay may tatlo ng anak at ikakasal na sana siya sa Disyembre. Napag alaman din na para pala sa kanyang amang may sakit kaya siya kumasa sa challenge.
Source: Noypi Ako
0 Comments