Leila De Lima Hin0stage ng 3 Preso sa Camp Crame



Tatlong kalalakihang preso ang nagtangkang tumakas at i-h0stage ang dating senadora na si Leila De Lima nitong Linggo, sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Ang isa sa mga suspek ay mga Person Under Police Custody (PUPC), sinasabing miyembro rin ng Abu Sayaf Group ayon kay PNP (Philippine National Police) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.


Nangyari ang insidente 6:30 ng umaga sa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame, ng maghatid ang isang police officer ng pagkain sa mga PUPC ( Person Under Police Custody).


Sinaks@k nila ang isang pulis na si Police Corporal Roger Agustin, gamit ang isang improvised knife, na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon, at hin0stage nila ang dating senadora na si Leila De Lima. 

Ang 3 suspek naman ay nas@wi habang sila ay hinuhuli ng mga pulis.


Kinilala rin ang mga ito na sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan and Feliciano Sulayao, na ang intensyon daw ay tumakas.


Ligtas naman umano ang dating senadora, at dinala nila sa hospital upang ma check up ang kalagayan nito.

Mahigpit naman ang seguridad ngayon ng Camp Crame matapos ang nangyaring insidente.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments