Ibinahagi ng isang professor sa Batangas State University, ang iba't ibang mga diskarte at gawa ng kanyang mga estudyante sa pinahanda niyang "Anti-Cheating Head Gear, upang makaiwas sa pangongopya o pandaraya ang mga ito, sa ginanap na mid term examination kamakailan. Napabilib ang guro dahil sa creativeness ng kanyang mga estudyante.
Inupload ni Prof Mike Balanay sa kanyang social media account ang mga litrato ng kanyang mga estudyante na nakasuot ng mga kakaibang pantakip sa ulo upang hindi sila makakopya at makapag pakopya sa kanilang mga kaklase, sa ginawa nilang midterm exam sa Marketing subject.
Ayon pa sa kanya ay biro lamang daw niya ito sa kanyang mga estudyante, dahil baka magkopyahan lang at mandaya sila sa kanilang exam, hindi niya akalain na seseryosohin at tototohanin pala ng kaniyang mga estudyante ang sinabi niyang ito.
"Sineryoso nila!!! Nagbibiro lang ako eh. My students are wearing an Anti Cheating Head Gear in their Midterm Examination ."- Ayon sa post ni Prof. Mike Balanay.
May ilan dito na mga cartoon character ang design, may traffic cone, mayroon ding parang lapida na may krus sa taas at naka sulat ang ''In Loving Memories Of My Midterm Examination'' ''May your soul rest in peace huhuhu''.
Ang mga makukulay, kakaibang design ng mga anti cheating head gear na suot ng mga estudyante, at ang kanilang creativeness ang naka agaw ng atensyon ng madlang people, magandang paraan nga ito upang hindi nila makita at maiwasan ang pangongopya ng sagot ng kanilang mga katabi.
Source: Noypi Ako
0 Comments