OFW Ipinadala ang Sarili sa Balikbayan Box Upang Surpresahin Ang Kanyang Mga Magulang


Mahirap para sa mga magulang ang malayo sa kanilang mga anak, at iba rin ang saya ng mga ito kapag  muli nilang nakita at nahawakan ang kanilang mahal na mga anak.

Labis na saya ang naramdaman ng mag-asawang Rowena at Angelito Mamangun ng Pulungbulu, Angeles City, nang buksan nila ang isang balikbayan box na ipinadala ng kanilang anak na si Ann Gellie Mamangun, nito lamang Oktubre 9, 2022.


Inakala nila na mga gamit ang laman ng malaking balikbayan box na pinadala ng kanilang anak na si Ann Gellie. na isang OFW mula sa Dubai, nang buksan nila ang malaking kahon ay nagulat sila na ang kanilang anak pala ang laman ng kahon.


Naluha ang mga magulang ni Ann Gellie ng makita siya, lalo na ang kaniyang ama, na ayon sa kanya ay mukhang namutla ito at nahirapan huminga.


Sinorpresa pala sila ni Ann Gellie, ayon sa kanyang pahayag ay halos apat na taon na siyang hindi nakakauwi sa kanila dahil sa nagdaang pandemic, 8 years na ring nagtatrabaho si Ann gellie bilang isang OFW sa Dubai, ayon pa sa kanya ay sa JRS Express branch ng Dubai siya nagtatrabaho, kaya napagpasyahan niya ang gimik na ipadala ang sarili.


Mayroon naman daw mga butas ang kahon at mayroon din siyang electricfan upang may hangin pa din at hindi siya mahirapan sa paghinga .


"Nung binuksan mo yung box, nasa harap ko si tatay, kaya una ko siyang nakita, nung niyakap ko siya, namutla siya sa gulat at hirap siyang huminga, kaya mas nagfocus ako sa kanya. After (off) cam) bawi niya. Niyakap ko si mama. Hindi kita nakita sa video. Hindi ko nakita sa video, pero tinuon ko ang atensyon ko sa mama ko ", ayon kay Ann Gellie Mamangun.



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments