Anak, Mas Piniling Iligtas Ang Buhay ng Ama Kaysa Isalba Ang Nasusunog na Bahay at Mga Gamit!



Sa buhay natin ay may dumadating na pagsubok. Bawat pagsubok ay dapat lampasan ngunit kadalasan ay hindi nain kayang solusyunan ng mag-isa lang. Kadalasan ay kailangan natin ng tulong ng iba lalo na ang tulong ng pamilya. May mga tao na dadating at mawawala sa ating buhay ngunit ang pamilya ay nandidiyan parati at hindi mawawala.




Isang anak ang labis na hinangaan ng marami sapagkat mas pinili niyang iligtas ang buhay ng kanyang ama na may edad na kaysa isalba ang nasusunog na bahat at mga kagamitan.

Mapapansin na ang ilang tao sa paligid ay abala sa pagsalba ng gamit samantalagang ang lalaking ito ay karga-karga sa kanyang likuran ang ama at nagmamadali sa pag-alis at paglayo mula sa nasusunog na bahay.




Pinatunayan ng lalaking ito na mas mahalaga ang buhay ng kanyang ama kaysa sa mga materyal na bagaya. Ang bahay at mga gamit ay maaaring palitan ngunit ang buhay ng kanyang ama ay isa lamang.

"Okay lang mawala ang mga gamit namin, mabibili pa yun. Ang papa ko isa lang, kapag nawala papa ko di ko na maibabalik, ani ng anak.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments