Magkapatid na Namamalimos Habang Nakasuot ng Plastik, Umantig sa puso mga Netizens!

Tila nagiging normal na para sa atin ang makakita ng mga batang namamalimos sa kalye dahil sa matinding kahiråpan. Isa ito sa mga pr0blema kinahaharap ng ating bansa. Ngunit, ang hindi alam ng marami sa atin ay kung ano ba talaga ang mga dahilan kung bakit may mga batang namamalimos.

Marahil ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit ang mga bata ay imbis na nasa loob na ng tahanan sa gabi ay nananatili pa rin sa kalye para manghingi ng pera sa mga tao.



Isang nakakalungkot na post ang ibinahagi ng concerned netizen na si Pearl Jhene David, kung saan ibinahagi niya ang larawan ng dalawang magkapatid na nadaanan niya sa San Matias malapit sa over-pass ng SM/Robinsons Starmills. Ang magkapatid ay natagpuan niyang namamalimos habang nakasuot ng plastik.

Ayon sa salaysay ni Pearl, namamalimos umano ang magkapatid para may pangbili ng gam0t sa karamdaman ni Santino dahil ito ay mayroong såkit sa bato.



Ayon naman sa nakatatandang kapatid na si Aldin, namamalimos umano sila ng kanyang kapatid habang hinihintay ang kanilang ina na nangangalakal. "Wala po kasi si mama, nangangalakal pa po, mamaya pa po iyon uuwi."

Halos madur0g naman ang pus0 ni Pearl nang makita ang dalawang bata at nilalagnåt pa umano ito. Nanginginig sa sobrang ginaw habang natutulog na mahimbing sa malamig na hagdan.


Nagbigay umano si Pearl ng tulong para sa magkapatid at nagbigay din umano siya ng kanyang numero para kung sakaling mahanap pa umano siya ng paraan para matulungan ang magkapatid, ay madali niya itong mahahanap.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments