Magkapatid Nakatulog sa Gilid ng Kalsada Habang Nagtitinda ng Sampaguita!



Mali ba ang bumuo ng bata kung hindi naman kayang alagaan? Marahil ay dahil sa kawalan ng sapat na edukasyon kaya ang ilan sa ating mga kababayan ang lubos na nahihiråpan sa buhay lalo na sa panahon natin ngayon. Ang ilang Pilipino ay hindi nagagabayan kaya kadalasan ay nabubuntïs sila ng hindi nila nais o 'unwanted pregnancy'.




Ang 'unwanted pregnacy' ay isang kadahilanan kung bakit mayroong mga batang napapabayaan na madalas makikita sa mga kalye at namamalimôs.

Ngunit, iba-iba rin ang dahilan kung bakit may mga batang palabôy. Isa na rin sa dahilan ay ang kahiråpan. Marahil ay nais ng mga bata na makatulong sa kanilang magulang kaya sa murång edad ay natututo na silang maghanap buhay.




Ilang larawan naman ng dalawang magkapatid ang umantig sa mga pusô ng netizens. Makikita sa isang larawan na tila natutulog ang dalawa. Ang isa ay hawak ang panindang sampaguita at ang mas nakababatang kapatid naman ay mahimbing din na natutulog habang kalong ng kanyang ate.

Makikita rin na sobrang liit pa ng kanyang kapatid, at wala rin siyang pangsapin sa paa. Basang-basa rin ng ulan ang dalawa dahil sa malakas na buhos ng ulan.




Dahil dito, ay agad na nag-viral sa social media ang larawan ng nakakaawång kalagayan ng dalawang bata. Kadalasan sa mga komento ng mga netizens ay hinahanap ang mga magulang ng dalawang bata.

"Kawawang mga paslit, asan ang mga magulang nito, my mga magulang pa ba ito o wla na tsk tsk nkk awang pagmasdan ang knlang sitwasyon. Dahil sa hirap ng buhay nagtitiis cla sa init at ulan na kalaunan magkakasakit cla. Kung saan mang lugar ito sana my mga good samaritan na my busilak na puso pra tulungan itong 2 bata. Godbless you enenghnd kyo pababayaan ng dios, my paraan xa pra kyo ay matulungan"

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments