Kapag ba gusto mong makatipid at magtipid para sa iyo at sa kinabukasan ng iyong pamilya ay maaari ka na ring tawagin na madamot?





Mahirap ang kumita ng pera sa ngayon lalo na kung sa matuwid at wastong paraan mo talagang gustong kumita ng pera. Kakailanganin mo talagang magbanat ng buto, magpuyat, at paglaan ito ng oras at panahon.



Mula nang maranasan ng maraming mga Pilipino ang pandemya ay mas marami sa atin ang mas nagpahalaga na sa ating mga pinagkakakitaan at hanapbuhay. Sa maliit kasi nating sweldo sa loob ng isang buong buwan ay napakabilis naman nitong maubos at madalas ay tila ba dumadaan na lamang sa ating mga palad.

Kamakailan lamang ay mayroong isang netizen na nagbahagi ng kaniyang mahirap na sitwasyon sa Facebook Page na CFO Peso Sense. Ang kaniya kasing problema ay nasa poder sila ng kaniyang mga biyenan at gusto man niyang magtipid ay hindi niya magawa dahil sa kailangan niyang ibahagi sa mga taong kasama niya sa bahay ang mga pagkain at gamit na kaniyang binibili.







Dagdag pa niya ay maging ang kaniyang mga bayarin niya noon sa kaniyang pagbubuntis ay siya rin lahat ang gumastos. Buti na lamang ay mayroon siyang ina sa ibang bansa na tumutulong sa kaniya.



Mayroon na silang anak ng kaniyang kinakasama ngunit ang nais niyang mangyari ay makapagtipid sana siya para na rin sa kanilang kinabukasan ngunit hindi niya ito magawa dahil madalas ay “madamot” ang turing sa kaniya ng kaniyang biyenan at pamilya ng kaniyang kinakasama. Maging ang sabon na maaari sana niyang magamat sa loob ng isang buwan ay dalawang linggo na lamang niya magagamit dahil ito na rin ang gamit ng buong pamilya ng kaniyang kinakasama.




Hindi na kasi sila bumibili pa ng sabon at ibang pangangailangan sa bahay kapag nakabili na siya. Dahil ba sa ganitong sitwasyon na nais niyang magtipid at makapag-ipon ay maaari nang husgahan siya at sabihin madamot siya?

Masakit man ang katotohanan na ito ngunit maraming mga mag-asawa ang nakakaranas nito. Kung kaya naman nagpayo rin ang maraming mga netizens para sa kaniya.

Halos lahat sila ay nagsasabing bumukod na silang mag-asawa dahil sa mayroon na rin naman silang anak. Kung ayaw namang umalis ng kaniyang kinakasama sa poder ng mga magulang nito ay maaari naman niya itong iwanan.

Sa ganitong pamamaraan ay mas magiging payapa na ang kaniyang puso at isipan at tiyak na makakapag-ipon na rin siya para sa kinabukasan ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang anak.


Source: Facebook





Post a Comment

0 Comments